Advertisers

Advertisers

Bulkang Bulusan nakapagtala ng higit 300 volcanic earthquakes sa loob ng 24-oras

0 168

Advertisers

UMABOT sa 313 volcanic earthquakes ang naitala nitong Huwebes ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras.

Una rito, noong hapon ng Miyerkules, Oktubre 12 itinaas sa Alert level 2 ang alert status sa bulkan mula sa level 0 dahil sa “low-level unrest”.

Sa inilabas na latest bulletin ng Phivolcs ngayong araw, nagbuga ang bulkan ng 279 tonelada ng sulfur dioxide sa isang araw batay sa huling tala noong Setyembre 29.



Patuloy naman ang pagpapaalala ng lokal na pamahalaan ng Sorsogon sa publiko na istriktong ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone ng Bulusan.

Ipinagbabawal din ang pagpasok sa 2-kilometer extended danger zone sa southeast na bahagi ng bulkan dahil sa mataas na posibilidad ng biglaan at mapanganib na phreatic o steam-driven eruptions.