Advertisers

Advertisers

P1B scholarship fund sa mga anak ng displaced, namatay na OFWs – DOLE

0 254

Advertisers

NASA 30,000 college students na anak ng mga pinauwi, nawalan ng trabaho at namatay na overseas Filipino workers (OFWs) ang matutulungan ng P1-bilyon scholarship fund ng pamahalaan.

Inihayag ito ni Labor Secretary Silvestre Bello kasunod ng paglagda ng memorandum of agreement sa pagbibigay ng educational assistance sa pagitan ng Commission on Higher Education (CHED) at Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) Chairman Prospero De Vera III na idinaos sa Quezon City noong Biyernes.

Tinawag itong “Tabang OFW,”kung saan maaring makakuha ng ang isang college-level dependent ng isang OFWsng .’one-time financial assistance’ na . P30,000..



“We hope this will go a long way in helping our OFWs and their children in these most challenging times. By doing this, we also hope we can partly repay our modern-day heroes,” ani Bello..

Base sa kasunduan, ang DOLE ang magpapalabas ng orders, circulars o guideline para sa epektibong pagpapatupad ng nasabing programa, sa paggamit ng pondo, accounting at auditing rules hanggang sa pagsusumite ng reports.

Ang CHED naman ang magpapalabas ng pondo na P1-B habang ang UniFAST, ang tutulong sa DOLE sa promotion at pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa aktibidad ng programa at katulong din sa pagbuo ng mga alituntunin, coverage at pamantayan sa paggamit ng subsidy sa ilalim ng programa ng Tabang OFW.

Sa kasalukuyan,mahigit 220,000 OFWs ang apektado ng COVID pandemic ang pinauwi na lamang ng pamahalaan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">