Advertisers

Advertisers

Isyu sa kuryente, pinabubusisi kay PBBM

0 355

Advertisers

Nanawagan ang isang consumer rights group kay Pangulong Bongbong Marcos para mahimok ang Energy Regulatory Commission (ERC) na resolbahin ang isyu kaugnay ng electricity rates ng mga supplier ng Manila Electric Company (MERALCO).

Sa isang liham kay Marcos ng National Association of Electricity Consumers for Reforms Incorporated (NASECORE), kinastigo rin ng grupo ang pagbasura ng ERC sa joint power rate hike petition ng MERALCO at ng power unit ng San Miguel Corporation.

Ayon kay NASECORE president Pete Ilagan, ang mga supplier ng MERALCO na South Premiere Power Corporation (SPPC) at San Miguel Energy Corporation (SMEC) ay naghain sa ERC ng joint motions para sa isang price adjustment noong Mayo 2022. Hinihingi rito ang pagtaas ng generation rate sa P5.41/kWh mula sa P4.045/kWh.



Ani Ilagan na hindi inaprubahan ng ERC ang petisyon dahil na rin sa isang clause na laman ng isang naunang joint application na inihain noon pang 2019. Ang aplikasyong ito ay may tinatawag na “non-escalation clause.”

Subalit sa kabila nito, sinabi ni Ilagan na tuloy-tuloy pa rin ang pagtaas ng rates ng mga supplier ng MERALCO dahil hindi naman napipigilan ng non-escalation clause ang mga ito kumpara sa SPPC at SMEC.

Sa katunayan, anang pangulo ng NASECORE, umabot pa nang hanggang halos pitong piso kada kWh ang blended rate o average rate ng MERALCO noong Seytembre 22.

Paliwanag ni Ilagan, habang ang nakatali ang South Premiere Power Corporation at San Miguel Energy Corporation ay hindi naman na napipigilan ang iba pang suppliers na maningil nang napakamahal.

Isa na rito aniya ang Quezon Power Philippines Ltd Co. na tumataga ng pinakamataas na singil na P13.34/kWh at pati ang ibang electric cooperatives sa Leyte at Samar ay nagtaas na rin ng generation rates noong nakaraang buwan.



Dahil sa sinasabing double standard o hindi patas na patakaran ng ERC, nagsumamo ang NASECORE kay Pangulong Marcos na panghimasukan na ang usapin para sa kapakanan ng mga Pinoy consumer.