Advertisers

Advertisers

LAS PIÑAS CITY, GINAWARAN NG 2 PARANGAL NG DOH-MMCHD

0 190

Advertisers

ANG pamahalaang lungsod ng Las Piñas ay ginawaran at kinilala ng Department of Health (DOH) -Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) para sa mataas na kalidad ng mga serbisyo sa kalusugan.

Ang pagkilala, dahil sa namumukod-tanging pagsunod sa pananalapi ukol sa mahusay na paggamit ng pondo ng DOH at sa mabilis at tamang pagpuksa nito.

Ang nasabing lungsod, ginawaran din ng isang plake nang pagpapahalaga para sa suporta nito sa ibat-ibang mga programa sa pangangalagang pangkalusugan na nagbibigay ng pantay na pag-access sa kalidad at abot-kayang mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan alinsunod sa pangkalahatang pangangalagang pangkalusugan.



Ang paggawad at pagkilala sa lokal na pamahalaan, ginanap sa Manila Hotel noong Oktubre 14, kasabay ang ika-35 Anibersaryo ng DOH-MMCHD.

Bukod sa parangal na natanggap ng gobyerno, iginawad din ang tseke na nagkakahalaga ng P 150,000 na magagamit ng lungsod bilang karagdagang pondo sa mga serbisyong pangkalusugan at proyekto para sa mga Las Piñeros.

Ikinatuwa naman ni Vice Mayor April Aguilar ang dalawang pagkilalang iginawad sa Las Piñas City.

Aniya, ang pagkilala na ibinigay ng DOH-MMCHD ay isang inspirasyon para sa pamahalaang lungsod na pagbutihin ang serbisyong pangkalusugan para sa mga residente.

Idinagdag pa ng bise alkalde na ang pag-unlad ng health services ng Las Piñas City government ay bahagi na rin ng “ Tuloy ang Tapat at Progresibong Serbisyo” ng kanyang ina na alkalde naman ng naturang lungsod.(JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">