Advertisers

Advertisers

Korina at Kabayan Noli ‘binarat’ ng ALLTV

0 189

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NOONG una, inanunsyo ni Willie Revillame na may mga pasabog siya dahil maraming celebrities ang magiging Ka-ALLTV.
Katunayan, hindi lang ang mga pangalang Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez ang inaasahang lilipat sa nasabing istasyon ng Villar network.
Nabanggit din ang pangalan ng mga bigating broadcast journalists tulad nina Korina Sanchez at dating Vice President na Kabayan Noli de Castro.
Nagkaroon ng programa na “Korina Interviews” ang batikang TV magazine show host sa NET25.
Ayon naman kay Korina, hindi eksklusibo ang kontrata niya sa nabanggit na TV station kaya may laya siyang tumanggap ng ibang offers from other networks.
Pero, ano itong narinig namin na hindi na matutuloy ang napabalitang pag-ooberdakod ni Korina sa ALLTV na si Willie ang consultant at creative in charge.
Gayundin daw ang news anchor at dating politician na si Ka Noli.
Ang dahilan daw ay binarat umano ng network ang talent fees ng dalawang premyadong news anchor at host.
Ayon nga rin sa talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz at events planner turned YouTuber na si Loi Villarama, P1 milyon daw each ang offer per month sa dalawa sa kanilang show.
Kumbaga, parang lumalabas na ‘binarat’ sila pagdating sa talent fees na hindi nila ‘deserved’ considering na icons na sila sa larangan ng pamamahayag.