Advertisers

Advertisers

3 pekeng MTPB enforcers timbog

0 195

Advertisers

TIMBOG ang tatlong nagpanggap na tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) nang mangikil sa mga motorista sa Tondo, Manila.

Kinilala ang mga dinakip na sina Jericho Estares, 44 anyos, construction worker, nakatira sa Romana Ext Blk 3, Barangay 103 Tondo; Mark Buzeta, 35, ng 311 Innocencio St., Tondo; at Almario Duque, 30, ng 17C Maginoo St., Tondo.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang MPD-Station 1 hinggil sa talamak na robbery extortion na ginagawa ng isang grupo na nakasuot ng uniporme ng MTPB na nambibiktima ng mga komyuter sa kahabaan ng Mel Lopez Blvd. kanto ng Moriones St., Tondo.



Agad ipinag-utos ni Lt. Colonel Rosalino Ibay, commander ng MPD PS1, sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng intelligence driven operation sa lugar Linggo ng umaga.

Isa si Noel Batister Cardenal, truck driver, ang natyempuhan ng mga operatiba na binibiktima ng mga pekeng MTPB at kinikikilan ng halagang P1,000 upang maayos ang kanyang umano’y traffic violation.

Dito kumilos ang mga operatiba, agad inaresto ang tatlong “enforcers” na batay sa beripikasyon mula sa tanggapan ng MTPB ay walang sertipikasyon o hindi lehitimong tauhan nito ang mga nahuling enforcer.

Sasampahan ang mga naaresto ng kasong Robbery Extortion and Usurpation of Authority. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">