Advertisers
PLANO ngayon ng mga panadero na bawasan ng asukal ang pandesal dahil sa patuloy na pagsirit ng presyo nito sa merkado.
Ayon kay Asosasyon ng Panaderong Pilipino President Chito Chavez, pumalo na sa P5,000 ang presyo ng kada sako ng asukal mula sa dating P2,500.
Dagdag pa nito na sa pamamagitan nito, makakasabay ang mga bakers sa tumataas na gastos sa paggawa ng pandesal at maibabalik ang original recipe nito.
Napag-alaman na noong 1960s at 1970s, kilala ang pandesal na low sugar content.
Plano rin ng grupo na gumamit ng Stevia sweetener bilang alternatibo sa asukal na isang uri ng halaman para sa mga may diabetes. (Josephine Patricio)