Advertisers
Ni BETH GELENA
VIRAL ang TikTok posted ni Joross Gamboa kasama sina Wendell Ramos, at Marco Alcaraz.
Nagpamalas ng sayaw ang tatlo na ikinakilig ng netizens lalo na ng mga kababaihan.
Shinare ni Joross ang kanilang adorable clip na kasama rin nila ang sikat na basketball player na si Cyrus Baguio.
Umani agad ng 1.5 million likes ang nasabing video.
Ang caption ni Joross, “Sayawan lang kayo ng mga tito… Pampa good vibes!!!Happy Sunday!!”
Cardboard Box ang kantang sinasayaw ng apat na naaliw ang netizens lalo na kay Wendell.
Si Wendell ay isang mahusay na actor.
Aside from acting, certified firefighter na rin siya.
May anak na rin ang actor na pumasok na rin sa showbiz, si Tanya Ramos, 15.
Ang teenstar ay nakatakda na ring sumabak sa pag-arte.
Ayon kay Tanya, she feels grateful for sa blessings na dumarating sa kanya.
Ang talent ni Tanya ay singing.
Malimit magshare ang actor ng video nilang mag-ama na nagja-jamming.
***
VICE GANDA NAGPAKITA NA SA IT’S SHOWTIME
UMAPIR na si Vice Ganda sa It’s Showtime.
Humingi ng paumanhin ang The Unkabogable Phenomenal Star dahil sa halos two weeks nitong pagkawala sa programa.
Ang rason ñi Vice, marami raw siyang ‘labada’ na dapat nang tapusin.
Fresh na fresh si Vice kahapon (Monday) kung saan pinuri pa ni Tyang Amy Perez ang hairdo ng TV host-comedian.
Ani Vice: costume raw niya iyun sa kanilang pelikula.
“May shooting kami ngayon kaya kasama ko sina Lazzy. Dito muna kami sa It’s Showtime and after go sa shooting.”
Sobrang saya na naman sa loob ng studio nang makita ng audience si Meme Vice.