Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SA ngayon palang ay marami na ang nasasabik sa second part ng trilogy biopic movie ni direk Darryl Yap, ang “Martyr o Murderer” na sequel ng “Maid in Malacanang”. Buhay naman ng yumaong senador na si Ninoy Aquino ang magiging tema ng movie.
Maraming netizen ang napa-wow nang maipost ni Direk Darryl Yap ang chat nila ng producer ng sequel ng MIM kung saan ay nabanggit ng magaling na direktor ang names nina Philip Salvador at Joey Marquez.
“Viva : Sino ang Ninoy mo?”
“Darryl: A Dream to work with Philip Salvador”
“VIVA: and your Fabian Ver?”
“Me: Siya lang… [Joey Marquez].”
Kasama rin siempre sa biopic ni Ninoy ang mga anak at asawa. Mas magiging interesting ito dahilan sa dalawa sa major character ay gagampanan ng mga naging karelasyon ni Kris Aquino.
Si Jerome Ponce, ang bida sa katapat na movie ng MIM, ang “Katips”, ay mananatiling gagampanan ang papel ni Young Ninoy.
Sa ngayon ay ongoing pa rin ang negosasyon sa pagsama nina Philip at Joey sa movie ni direk Darryl. At siguradong pag napapayag ang dalawa na magsama sa isang movie na may kaugnayan sa buhay ng yumaong Ninoy, malamang mas malaking kontrobersya ang kakaharapin nito kaysa sa naunang MIM.
***
PATI ang direktor ng movie na “Relyebo” na streaming ngayon sa lahat ng Vivamax apps, pinagbibidahan nina Sean de Guzman, Jela Cuenca at Christine Bermas, na si direk Crisanto Aquino ay all praises sa kanyang lead actor dahil sa pinamalas nitong galing sa pag-arte.
Say nga ni Direk Crisanto, deserve talaga ni Sean ang dalawang international best actor award na napanalunan ng young actor kamakailan.
“Si Sean, isa siyang actor na masasabi kong maganda ang path ng career niya. Mahusay si Sean. Lagi siyang nagtatanong tungkol sa eksena. Magandang attitude yan sa artista kasi alam mong gusto niyang maintindihan ang bawat gagawin niyang eksena.
At may understanding na kami ni Sean sa ibang scene, pag di ko gusto performance niya, magkakatinginan lang kami, at pag pareho kami na hindi gusto ang ginawa niya, then we do take 2 or 3. Then we agree na okay na siya. Gusto niyang maganda rin ang maging output ng pelikula, pareho kami. I’d just say Coco Martin in the making itong si Sean De Guzman,” say ni direk Crisanto.
First time ni direk Crisanto ang gumawa ng isang daring and sexy movie, kumusta naman kaya ang kanyang pakiramdam sa nagawa niyang first sexy movie na “Relyebo”.
“I want to challenge myself if I can do mature or iyong adult ang concept. As a writer and director, magandang challenge ito to test my flexibility, if I can adapt also to other genres.
Itong ‘Relyebo’ ay isang hamon sa akin para sa Vivamax na gumawa ng isang pelikula na kahit may mga sex scenes ay buo pa rin ang k’wento at masasabi mong isa itong pelikula na dapat panoorin ng mga Pilipino dahil kwento natin ito, ganito tayo, lahat tayo ay nagkakamali at sa huli, kailangan nating maintindihan ang proseso ng pagpapatawad at pagbabago,” dagdag na say ni direk Crisanto.