Advertisers
INALIS na muna sa puwesto si Bureau of Corrections (BuCor) chief, Director General Gerald Bantag, kasunod ng pagkamatay ng bilanggo na umano’y “middleman” sa pagpaslang sa hard-hitting radio commentator at tabloid columnist na si Percy Lapid.
Sa press briefing nitong Biyernes, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nag-utos sa kanya Huwebes ng gabi na suspendihin si Bantag.
“I went to the President to tell him about this… he asked me to preventively suspend Undersecretary, Director General Bantag of BuCor, so that there may be a fair, impartial investigation on the matter,” sabi ni Remulla.
Ayon kay Remulla, itinalaga niya si retired Armed Forces Chief of Staff Gregorio Catapang Jr. bilang officer-in-charge ng BuCor.
Sinabi ni Remulla na ang suspension ni Bantag ay “indefinite” at magpapatuloy habang isinasagawa ang imbestigasyon.
“We cannot have a definite preventive suspension. It’s indefinite, as long as the investigation is there, as long as there are findings. Then let’s put the matter to rest,” sabi ni Remulla.
Personal na sinabi ni Remulla kay Bantag nitong Biyernes ng umaga ang pagsuspende sa kanya.
Nang tanungin kung sino ang pumili kay Catapang nilang OIC, sinabi ni Remulla: “Si Presidente.”
Si Catapang ay naging AFP Chief noong panahon ng yumaong Pangulo Noynoy Aquino.
@@@@
Sanhi ng kamatayan ng ‘middleman’ ‘di natukoy!
WALANG nakitang anumang senyales ng physical external injuries sa katawan ng bilanggo sa Nationa Bilibid Prison na umano’y “middleman” sa paglikida sa hard-hitting radio commentator at tabloid columnist na si Percy Lapid.
Wala raw foul play na nangyari sa pagkamatay ng middleman, sabi ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Biyernes.
Noong Huwebes, Oktubre 20, inanunsyo ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na ang umano’y middleman ay namatay noon pang Oktubre 18 (Martes), ilang oras bago iniharap sa media ang sumuko na pumaslang kay Lapid.
“As per BuCor Health Service, initial findings show no signs of physical external injuries which probably indicates a natural cause of death or no signs of foul play,” sabi ni BuCor spokesman Gabriel Chaclag sa text message sa reporters.
“However, we are still awaiting the official and final autopsy result which will include a toxicology test that will be further conducted today to complete the autopsy. The final and official result will be released by the NBI Medico-Legal team accordingly after all results come in,” dagdag ni Chaclag.
Kinilala ni Chaclag ang inmate middleman na si Jun Villamor, 42 anyos, may kasong droga.
Ayon kay Chaclag, si Villamor ay isinugod sa New Bilibid Prison hospital nang mawalan ito ng malay 1:30 ng tanghali ng October 18.
Sinubukan pa raw bigyan ng resuscitation process si Villamor, pero idineklara itong patay 2:00 ng hapon ng medical officer on duty.
Ang bangkay ni Villamor ay nakalagak sa eastern funeral service sa Alabang kungsaan ito isinailalim sa autopsy ng National Bureau of Investigation Medico-Legal team.
@@@
Bangkay ng ‘middleman’ walang kumukuha
WALA pang kamag-anak o kaibigan na kumukuha sa bangkay ng umano’y “middleman” sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.
Ayon sa taga-Eastern Funeral Services, sa palagay nila ay walang kamag-anak ang pupunta para sa bangkay ng umano’y middleman na si Jun Villamor, 42 anyos, dahil noong may mga tinanong silang pulis, sinabi raw na walang dumadalaw sa kaniya noong buhay siya habang nakakulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Ayon kay Justice Sec. Boying Remulla, October 18 ng hapon namatay sa Bilibid si Villamor.
Sabi ng taga-Eastern Funeral Services, dahil ‘person deprived of liberty’ ang namatay, kinakailangan muna ng release order na manggagaling sa Bilibid, kasama ang death certificate, bago mailabas ang bangkay sa punerarya.
Kahit na may mga kamag-anak pa ang mag-claim dito, kinakailangan parin ng release order dahil inaantay pa rin ang resulta ng autopsy na manggagaling sa NBI.
Sa loob ng tatlong buwan, kung wala paring claimants, sa New
Bilibid Prison cemetery ililibing si
Villamor.