Advertisers
LABINGTATLONG (13) volcanic earthquake ang naitala sa bulkang Kanlaon sa panibagong pag-aalboroto ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.
Nabatid sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) bukod sa pagyanig nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Kanlaon.
Ayon pa sa Phivolcs na namataan din ang pagsingaw ng usok sa bunganga ng bulkan at ang bahagyang pamamaga ng bulkan.
Sinabi pa ng ahensya na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat (4) na kilometrong (4km) radius Permanent Danger Zone o PDZ ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog.
Ayon pa sa Phivolcs ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anuman uri ng eroplano malapit sa tuktok ng bulkan.
Ang bulkang Kanlaon ay matatagpuan sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental. (Boy Celario)