Advertisers
INIHAYAG ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi na matutuloy ang pinasukang kontrata na nagkakahalaga ng $38-million military helicopter contract sa Russia.
Kinumpirma ito ng Pangulo matapos na sabihin ng Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov na dapat ituloy ng Philippine government ang deal sa 16 na helicopters na naunang kinansela ng Duterte administration.
Paliwanag naman ng Pangulong Marcos, noon pa mang nakaraang administrasyon ay nagdesi-syon na kinansela na ito.
Sa ngayon pinipilit daw ng pamahalaan na makuha man lamang ang percentage sa ibinigay na downpayment.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang Philippine government ay nakakita na rin umano ng alternative supply para sa kakailanganing mga helicopters at ito ay sa Amerika sa pamamagitan ng manufacturer mula sa Poland. (Vanz Fernandez)