Advertisers

Advertisers

Lady trader iginapos at nilooban

0 184

Advertisers

NILIMAS ang pera, baril at mga alahas ng isang babaeng negosyante nang pasukin ng mga magnanakaw habang natutulog sa kanyang bahay sa Barangay Malapat Cordon, Isabela, Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Imelda Trajano, isang kilalang negosyante at residente sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang biktima sa kanyang kuwarto nang pasukin ng mga kawatan 3:00 ng madaling araw. Hindi nakapalag ang biktima nang tutukan ito ng patalim at igapos ng mga magnanakaw na dumaan sa isa sa mga bintana ng bahay.



Tinangay ng mga magnanakaw ang pera na nagkakahalaga sa P500,000.00, mga alahas, isang 9mm kalibre na baril at mamahaling cellular phone.

Iniimbestigahan ng pulisya ang guwardiya ng nasa-bing bahay dahil sa wala itong ginawa nang pasukin ng mga magnanakaw ang kanyang amo.