Advertisers

Advertisers

ISA PANG MIDDLEMAN SA LAPID MURDER KUMANTA

0 181

Advertisers

MAYROONG mga ibinunyag ang isa pang sinasabing “middleman” sa pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief, General Rodolfo Azurin Jr., malaking tulong ang mga impormasyong isiniwalat ni Jose Villamor, ang pinsan ng namatay na unang middleman sa kaso na si Jun Globa Villamor.

Sinabi ni Azurin, sa ngayon ay pinagtatagpi-tagpi nila ang mga isinalaysay ni Jose Villamor upang matukoy ang totoong mastermind sa krimen.



Kasunod nito, sinabi ng PNP Chief na hindi muna nila ito maaaring isiwalat sa publiko lalo pa’t nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Nasa kostodiya ngayaon ng PNP si Jose Villamor.

Una nang sinabi ng PNP na solido parin ang kaso laban sa mga nasa likod sa pamamaslang kay Lapid kahit namatay ang isa sa mga itinuturong middleman sa kaso.