Advertisers
MAAARI na ngayong makabili ng murang puting asukal sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA) sa Quezon City.
Noong Lunes nagsimula ang pagbebenta ng murang asukal na tatagal hanggang sa Biyernes, October 28.
Ayon sa Sugar Regulatory Administration (SRA), mabibili ito sa halagang P70 kada kilo at hanggang tatlong kilo kada indibidwal.
Bukas ang bentahan ng nasabing asukal hanggang alas-5:00 ng hapon.
Sinabi pa ng SRA, kapag natapos ang naturang aktibidad sa DA ay meron pa rin mabibili naman sa tanggapan ng SRA sa North Avenue, Quezon City.