Advertisers

Advertisers

Police Major, 2 pang Pulis-Maynila sinibak sa barilan sa Sampaloc

0 228

Advertisers

SINIBAK sa puwesto ang tatlong pulis na sangkot sa armed encounter na ikinamatay ng isang babae sa Sampaloc, Maynila noong Lunes ng madaling araw.

Kasabay ng pagkumpirma ni Manila Police District Director Brigadier General Andre Dizon, sinabi niyang ni-relieve ang tatlo habang gumugulong ang masusing imbestigasyon sa insidente.

Ang mga sinibak ay sina Corporal Jeffrey Toledo, Patrolman Pat Kayang-O na kapwa nakatalaga sa Tactical Motorized Riders Unit (TMRU) ng MPD-Station 4; at Major Rommel Purisima, nakatalaga sa District Special Operation Unit (DSOU) ng MPD.



Nakita ang tatlong pulis sa CCTV na nakipagpalitan ng putok sa naarestong babaeng negosyante na si Kristie Rose Castro, taga-Baguio City, sa kahabaan ng Mindanao St. sa Sampaloc kungsaan namatay ang kanyang kasambahay ni Castro na si Reanne Pilar.

Lulan sina Castro at Pilar ng kanyang Ford Ranger (ABP 1605) nang huminto sa tapat ng isang bahay na sinasabing bahay ni Purisima at nagpaputok ng baril at umalis.

Ilang sandali pa, may dumating nang responde, kungsaan bumalik si Castro at muling nagpaputok hanggang sa nauwi sa engkwentro at habulan.

Naharang ng mga pulis ang sasakyan ni Castro sa bahagi ng Ramon Magsaysay Boulevard at dito narin nalaman na nasawi ang kanyang kasambahay na nakasakay sa likod ng driver seat.

Hindi parin batid ang motibo ng pagpapaulan ng bala ni Castro sa harap ng bahay ni Purisima.



Ayon sa source, may relasyon sina Castro at Purisima. Nakikipaghiwalay na umano ang huli at nagalit ang babae.(Jocelyn Domenden)