Manila, nanguna sa 17th ATOP-DOT Pearl Awards
Advertisers
NANGUNA ang ?Maynila sa katatapos na 17th Association of Tourism Officers of the Philippines-Department of Tourism (ATOP-DOT) Pearl Awards, kung saan humakot ito ng kabuuang anim na karangalan kabilang na ang pinakamataas na mga karangalan tulad ng Best Tourism-Oriented LGU at sa Best Tourism Event category.
Personal na dumalo si Manila Mayor Honey Lacuna sa awarding ceremony na ginanap sa Tagaytay City nitong weekend bilang suporta kay Department of Tourism, Culture and the Arts in Manila (DTCAM) chief Charlie ‘Mama Cha’ Dungo at upang tanggapin na rin ang prestihiyosong karangalan mula sa ATOP-DOT Pearl, na siyang award- giving body sa turismo sa buong bansa at ito ay base na rin sa pinakamahuhusay na ginagawa ng mga lungsod at munisipalidad sa kanilang turismo.
Maliban sa pinakamataas na karangalan bilang nangungunang Tourism Oriented LGU, ang iba pang karangalan na tinamo ng tourism department ng Manila sa ilalim ni Dungo ay ang mga sumusunod:
Tourism Program for Culture and the Arts (1st runner-up) for its conservation efforts for its tangible and intangible cultural assets; Tourism Week/Month Celebration, 1st runner up ; Tourism Promotion Publication (city level), 2nd runner-up; Tourism Promotion Videos, 2nd runner-up and grand champion for Best Tourism Event/Festival (based on religious practice to honor community saints).
Ang mga nabanggit na karangalan ay iginawad sa 17th ATOP Pearl Awards na ginanap sa Taal Vista Hotel in Tagaytay City.
Mahigpit na niyakap nang tuwang-tuwa na si Lacuna ang sobrang emosyunal na si Dungo matapos na pangalanan ang Maynila bilang “Best Tourism-Oriented LGU”, kung saan tinalo nito ang iba pang mga kalahok na lungsod munisipalidad sa buong bansa. Ito ang siyang pinakamataas na karangalan na ibinibigay ng organisasyon sa isang local government unit.
Ang Best Tourism Religious Practice naman ng lungsod na Traslacion of the Black Nazarene, ang siyang tinanghal na Grand Champion.
Binati ni Lacuna si Dungo at ang buong pamilya ng DTCAM sa napakahusay nitong ginagawa sa pagtataguyod ng Maynila at sa mga paraan na ginagawa nito upang makasabay sa takbo ng panahon.
Sa kanyang bahagi, sinabi ni Dungo na magsisilbing inspirasyon ang mga karangalang ito upang lalo pa nilang pag-ibayuhin ang pagtatrabaho upang higit pang mapataas ang antas ng turismo sa kabisera ng bansa.
Ibinahagi rin ni Dungo ang mga karangalan sa kanyang kapwa-manggagawa at na ayon sa kanya ay hindi matatawaran ang suporta at dedikasyon sa lahat ng gawain ng DTCAM. (ANDI GARCIA)