Advertisers

Advertisers

Shabu bistado sa ihi ng Lapid murder middleman

0 211

Advertisers

Naalarma ang isang forensic pathologist at si Justice Secretary Boying Remulla sa natuklasang shabu sa ihi ni Jun Villamor, ang tinuturong middleman sa pagpaslang kay Percy Lapid.

Sa autopsy report ni Dr. Raquel Fortun, sinaad na nakitaan ng methamphetamine o shabu ang ihi ni Villamor.



Bukod pa ito sa findings na nasawi ang preso dahil sa asphyxia o kawalan ng hininga dahil umano sa plastic bag.

“Preliminary urine toxicology showed methamphetamine,” ayon sa report ni Dr. Fortun.

Ayon kay Remulla, ang pagkakaroon ng shabu sa sistema ni Villamor ay kumukumpirmang may iligal na droga sa loob ng Bilibid.

Nabahala rin si Fortun sa presensya ng shabu sa bangkay ni Villamor.

“Please take note, it’s also a health issue. That there is methamphetamine in jail, that was so shocking for me,” wika ng forensic pathologist na hiniling na sana ay masuri ang mga selda.