Advertisers

Advertisers

Mass grave nadiskubre sa Agusan del Norte: 5 bangkay nahukay

0 167

Advertisers

PAPANAGUTIN ng mga otoridad ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na responsable umano sa brutal na pagpatay sa limang lalaki.

Ito’y matapos mahukay ng mga sundalo at pulisya ang mga bangkay na pinag-isa lang ng libingan sa bukiring bahagi ng Sitio Baraboto, Barangay Curva, Santiago, Agusan del Norte.

Kinilala ang mga biktima na sina Ruel Macuray, Jason Macuray, Marlon Macuray, Leomar Iligan, at Rommel Qulliano, mga residente ng Sitio Gacob, Barangay Hinapuyan, Carmen, Surigao del Sur.



Inihayag ni Colonel Cresencion Gargar, commander ng 29th Infantry Battalion ng Philippine Army, na natunton ang mass grave nang ibulgar ng isang rebel surrenderee na saksi sa pangyayari.

Base sa salaysay ng informant, hinuli ang lima nang nangunguha ang mga ito ng Agar wood upang may pangkunsumo sa kanilang pamilya.

Ayon sa opisyal, ang ginawa umano ng mga rebelde malinaw na ebidensya sa kanilang pagka-terorista na dapat lang na kanilang pananagutan.