Advertisers

Advertisers

5 PATAY SA ARARO NG KOTSE NG LASING NA DRIVER!

0 691

Advertisers

LIMA katapo ang nasawi, kabilang ang magkapatid na menor de edad, nang araruhin ng kotse ang sinasakyan nilang tricycle Lunes ng gabi, Oktubre 31, sa bayan ng Piddig, Laoag.

Kinilala ang mga nasawi na sina Edward Rumbaoa Burgos, 41 anyos; dalawang anak nitong sina Lj,17; at Liam Burgos, 7; mga biyenan na sina Tranquilino at Zenaida Balino, lahat residente ng Barangay Calambeg, Piddig.

Nadakip naman ang driver ng kotse na kinilalang si Jonathan Pacaro, 28, residente ng bayan ng Vintar.



Ayon kay Police Lt. Rudy James Jacalne, hepe ng PNP-Piddig, gabi naganap ang insidente sa kahabaan ng kalsadang sakop ng Barangay 7 Sucsuquen ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ang mag-anak ng tricycle na minamaneho ni Edward at binabaybay ang nasabing kalsada nang biglang mag-overtake si Pacaro.

Mabilis umano ang takbo ng kotse nang masalpok nito ang tricycle at nakaladkad pa ng 60 metro na nagresulta ng pagkamatay ng mag-anak.

Mabilis na tumakas ang salarin, subali’t kalaunan ay nahuli rin ng mga awtoridad sa follow-up operation.

Nadiskubre ng pulisya na lango sa alak ang driver ng kotse habang nagmamaneho.



Nahaharap si Pacaro sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to property at paglabag sa Republic Act 10586 o Driving Act of 2013 si Pacaro.