Advertisers

Advertisers

6 patay sa tipus sa Negros Occ.

0 164

Advertisers

ANIM na ang namatay sa typhoid fever at lagpas 600 ang naitalang kaso ng naturang sakit sa Negros Occidental simula Enero ng taon.

Sa tala ng provincial health office, umabot na ng 623 ang kaso ng typhoid sa 29 bayan at lungsod sa Negros Occidental.

Mismo si Negros Occidental Governo Bong Lacson ang nag-ulat sa kaso.



“I was surprised in the report today that as early as January this year there was already a typhoid case and there are now a total of 6. And the cause of typhoid is the same as cholera,” ani Lacson

Nagkasundo ang provincial health noard na panahon na para magtatag ng “Food and Drinking Water Quality Monitoring Committee” ang bawat local government unit ng lalawigan.

Sa 31 bayan at lungsod sa Negros, 11 palang ang may monitoring committee.

Nakikita natin ang water-borne, acute diarrheal diseases at cholera at typhoid ang taas. Number one ang question dyan ay ang potable water supply. Isa na ‘yan. Then ang ating water and sanitation”, sabi ni Dr. Ernell Tumimbang, ang provincial health officer.

Nasa 20 kaso na ang kumpirmadong cholera sa mga bayan ng EB Magalona, Silay, Talisay, Silay City, Victorias at Calatrava.



Ang pinakahuling nagkasakit ay 3-anyos na bata.