Advertisers

Advertisers

Pagawaan ng paputok sa Bulacan sumabog

0 265

Advertisers

NIYANIG ng malalakas na pagsabog ang ilang barangay sa Sta. Maria, Bulacan nang sumabog ang isang pabrika ng paputok.

Ayon sa Facebook post ng Angel M. Del Rosario High School, matatagpuan ang pabrika ng paputok sa Sitio Manggahan, Barangay Pulong Buhangin, Sta. Maria.

Ligtas naman aniyang nakalabas ang lahat ng mag-aaral, guro at pamunuan ng kanilang paaralan.



Samantala, ibinahagi ng netizen na si Cris Cross ang video ng pagsabog sa pagawaan ng paputok na nasa likod umano ng Del Carmen Bus Terminal.

Umabot na sa 8 katao ang nasugatan at nalapnos ang katawan, na 7 dito mga trabahador, pang walo ang may-ari at dalawang sibilyan habang apat na bahay ang nagtamo ng pinsala.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Jessie Cruz y Feliciano, 52; Lourdes E Policarpio, 43; Monrenzo Sagana Victoria, 26; Marissa Sagana Victoria, 58, may-ari ng pagawaanl Teofila F. Horfilla, 58; Mary Ann F . Horfilla, 27; Amanda Vicente, 61; at Christine Bellera Amper, 35 anyos, kapwa trabahador ng GLK fireworks.

Base sa paunang imbestigasyon ala-1:30 ng hapon ng bigla na lamang sumambulat ang paputok sa loob ng compound ng GLK Fireworks na pag-aari ng isang alyas Marissa Sagana Victoria.

Tumagal ng halos 30 minuto ang pagputok ng iba’t -ibang uri ng paputok tulad ng five star, kwitis, nabangit na compound.



Ayon sa inisyal na report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, (PDRRMO) 6 ang agad nabigyan ng first aid, habang apat ang matinding nagtamo ng sugat sa katawan, kabilang ang may -ari na dinala sa ospital.

Kasunod nito naglagay na ng command post sa lugar ang MSWD/ MDRRMO at PDRRMO upang agad magbigay ng paunang lunas sa mga nasugatan sa pagsabog.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad kung may kaukulang permit ang nabangit na pagawaan sa bahay ng may-ari at kung magkano ang tinamong pinsala. (Thony D. Arcenal)