Advertisers

Advertisers

‘Person of interest’ sa Lapid murder case mula Iwahig Prison nasa NBI na

0 187

Advertisers

NASA kustodiya na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa pang “person of interest” sa Percy Lapid murder case.

Dumating ito sa NAIA Terminal 3 pasado 7:00 ng gabi ng Miyerkoles.

Siya ay sumakay sa Cebu Pacific Flight 5J 640 mula sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan.



Agad isinakay sa coaster ng NBI ang nasabing lalaki na tinatayang nasa edad 35-50 anyos.

Siya ay protektado ng bullet proof vest at helmet na binabantayan ng NBI.

Samantala, naalarma ang Aviation Police sa pagdating ng mga armadong lalaki sa paliparan na kalaunan ay napag-alamang mga NBI na susundo sa nasabing person of interest sa Lapid case.

Humingi naman ng paumanhin ang NBI dahil sa pangyayari

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">