Advertisers

Advertisers

CALL CENTER AGENT AT PRESIDENTE NG LADY RIDERS PATAY SA AMBUSH!

0 234

Advertisers

NASAWI ang isang call center agent at presidente ng CSJDM Lady Rider Group, at sugatan ang back rider nito nang tambangan sa bahagi ng San Jose Del Monte City, Bulacan.

Kinilala ang nasawi na si Mary Joy Gonzales, 36 anyos, call center agent, ng Sitio Gulod, Barangay Minuyan proper, City of San Jose Del Monte (CSJDM).

Ayon kay Lt. Colonel Ronaldo M Lumactod Jr., hepe ng CSJDM Police, 9:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Road 1, IPO Road, Brgy Minuyan Proper.



Minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo, Burgman Suzuki (658ROK), at angkas si Ruby Espano Magpusao, 31, sales associate, ng Upper Quarry, Brgy. Minuyan Proper, papauwi ng bahay galing sa pagpupulong ng CSJMD LADY Rider Group sa LOGBI Kaypian nang sundan sila ng riding in tandem at paputukan sa kahabaan ng IPO Road patungo sa Minuyan Proper .

Nasawi noong din ang biktima, habang sugatan ang back rider nito na nagtamo ng mga galos nang bumagsak sa sinasakyan motorsiklo. Mabilis naman tumakas ang mga salarin.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.(Mark Obleada)