Advertisers
UMAKYAT na sa 150 ang iniulat na nasawi sa bagyong Paeng.
Sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes ng umaga, 94 sa mga nasawi ang kumpirmado na, at 56 ang sumasailalim pa sa validation.
Pinakamarami sa mga nasawi ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nasa 63, kasunod ang Calabarzon (33), at Region 6 (29).
Nasa 128 naman ang iniulat na nasaktan, at 36 ang nawawala.
Samantala, lumobo sa mahigit P5.2 bilyon ang pinsala ng bagyo sa imprastraktura at agrikultura.
Nasa P2.8 bilyon ang naitalang pinsala sa imprastraktura, habang P2.4 bilyon sa agrikultura. (Mark Obleada)