Advertisers

Advertisers

Kawani ng LGU niratrat habang may kausap sa celfone

0 158

Advertisers

NASAWI an isang kawani ng local governmet unit nang barilin ng habang nakikipag-usap sa cellphone sa Dumingag, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang biktima na si Richard Butch Camanian Cabilan, 39 anyos, empleyado ng Municipal Environment and Natural Resources Office, ng San Pablo, Dumingag.

Ayon kay Police Major Shellamei Chang, spokesperson ng PRO9, 2:45 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa Dumingag Organic Agriculture, Brgy. Lower Landing, Dumingag.



Nakikipag-meeting ang biktima nang magtungo sa ito sa likurang bahagi ng gusali upang sagutin ang tawag sa cellphone.

Habang nakikipag-usap sa cellphone, dumating ang tatlong lalaki na armado ng baril at pinaputukan ito sa ulo at katawan na ikinasawi noon din.

Tinalon ng mga salarin ang bakod ng gusali at mabilis na tumakas sakay sa dalawang motorsiklo patungo sa Dumingag-Midsalip road.

Nakarekober nag mga otoridad ng mga basyo ng bala ng caliber .45 sa pinangyarihan ng insidente.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya a krimen.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">