Advertisers
NATUKLASAN na sa isang Filipina-American ang parte ng katawan na nakuha sa Amador County, California.
Kinilala ang biktima na si Alexis Gabe, nakatira sa San Francisco.
Sa ulat, nawala si Gabe noon pang January 2022. Huli siyang nakita na paalis sa bahay ng kanyang ex-boyfriend na si Marshall Jones.
Nakilala ang bangkay nang sumakto ang identity nito base sa isinagawang pagsusuri ng forensic odontologist.
Napatay ang ex-boyfriend ni Gabe ng mga pulis nang pumalag sa pag-aresto.
Samantala, hindi pa batid ng pulisya kung mare-recover ang buong katawan ni Gabe, na posible umanong ikinalat sa iba’t ibang lugar.