Advertisers

Advertisers

Bantay salakay: Katiwala tinangay ang P2.1m halaga ng paintings at mga santo

0 204

Advertisers

KULONGAN ang bagsak ng isang katiwala sa bahay matapos nakawin ang mga painting na nagkakahalaga ng P2.1 million at mga mamahaling santo sa Barangay Zambal, Tagaytay City; at Alfonso, Cavite.

Base sa report, nagtungo sa Alfonso Municipal Police Station si Manuel Francisco, 63 anyos, residente ng Barangay Esperanza Ilaya, Alfonso para i-report ang pagnanakaw ng kanyang katiwala sa bahay na si Virgilio De Lima, 30.

Ayon kay Francisco, bandang 4:00 ng hapon ng parehong araw nang magtungo siya sa isa sa kanyang mga bahay sa Barangay Luksuhin sa Alfonso at nadiskubre niyang nawawala ang paintings at mamahaling mga santo sa bahay nang wala namang senyales na may ibang taong nakapasok. Kaya’t agad niyang inutusan ang kanyang driver sa warehouse sa Barangay Zambal para mag-inspeksyon at nalaman na nawawala rin ang mga mamahaling painting at santo doon.



Umabot aniya sa P2.1 million ang kaboang halaga ng mga mamahaling gamit ang ninakaw ng katiwala.

Nakakulong na katiwala sa Alfonso Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong Qualified Theft.(KOI LAURA)