Advertisers

Advertisers

CA binasura ang apela ni Lee sa kasong illegal detention ni Vhong Navarro

0 182

Advertisers

HINDI pinagbigyan ng Court of Appeals (CA) ang apela ng negosyanteng si Cedric Lee na ibasura ang ‘serious illegal detention for ransom case’ na isinampa laban sa kanya at anim pa niyang kasamahan ni actor-television host Vhong Navarro.

Sa 12-page decision na isinulat ni Associate Justice Angelene Mary Quimpo-Sale, pinagtibay ng 17th Division ng CA ang 2019 order na inisyu ng Taguig City Regional Trial Court (RTC), nagbasura sa ‘motion to dismiss case’ ni Lee.

Nagpasaklolo si Lee sa CA para kuwestiyunin ang aniya’y pag-abuso ng Taguig RTC sa desisyon nito laban sa kanya at 6 na kasamahan.



Si Navarro ay kasalukuyang nakakulong sa isang nonbailable charge ng rape na isinampa ng model na si Deniece Cornejo, umano’y karelasyon ni Lee.

Sinabi ng actor na sinaktan siya noon ng grupo ni Lee, pinagbantaan patayin at hiningan ng kuwarta para palayain.