Advertisers

Advertisers

Kapakanan ng MSMEs, seafarers, food, energy security tatalakayin ni PBBM sa APEC Summit 2022

0 182

Advertisers

TATALAKAYIN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), kapakanan ng mga seafarer, food and energy security sa gaganaping Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand mula November 16 hanggang 19.

Sa pahayag ni Office of the Press Secretary OIC Undersecretary Cheloy Garafil sa Palace briefing nitong Lunes, isang oportunidad ang APEC Summit para isulong ang agenda at prayoridad sa ekonomiya.

“The APEC is an opportunity for us to push for our economic agenda and priorities. These include the empowerment of our MSMEs and their inclusion in global value chains, recognition of the essential role of our maritime crews and seafarers in ensuring stable and resilient supply chains, ensuring our food and energy security and climate change mitigation and adaptation,” ayon kay Garafil.



Samantala, ayon naman kay Foreign Affairs Assistant Secretary Eric Tamayo, kanilang pag-uusapan sa APEC ang mga hamon sa pagbangon ng mga bansa mula sa pandemya dulot ng Covid-19.

Gayundin ay nakatakdang dumalo ang Pangulo sa iba pang mga related summits sa Thailand na kung saan ay posibleng talakayin ang tungkol sa kawalan ng pamumuhunan at post pandemic economic recovery.

Ayon pa sa DFA, inaasahang makikipagtulungan din si PBBM SA mga ilang lider ng bansa sa sidelines ng APEC summit.

Bukod pa rito, haharap din ang Pangulo sa Filipino community sa Thailand.

Ito ang kauna-unahang pagdalo ni PBBM sa APEC Leaders Summit.



Kauna-unahan din ito na in-person meeting ng 21-member regional economic bloc mula nang tumama ang pandemya noong taong 2020. (Vanz Fernandez)