Advertisers

Advertisers

MMDA magpapatupad ng adjusted mall hours simula Nob. 14

0 138

Advertisers

MAGPAPATUPAD ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng adjusted mall hours sa susunod na linggo kaugnay sa nalalapit na kapaskuhan.

Sinabi ni MMDA acting chairman Attorney Romando Artes na maaring mag-operate ang mga mall mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi simula Nobyembre 14.

Hindi naman kabilang dito ang mga groceries at restaurant.



Nabatid na ang hakbang ay upang maresolba ang problema sa trapiko lalo na ngayong Holiday season kung saan inaasahan na dadami pa ang mga sasakyan sa EDSA.