Advertisers
Patay ang isang pulis nang mawalan ng malay habang nagpapahinga matapos nitong mag-jogging sa Brgy. Poblacion, Sta. Catalina, Ilocos Sur.
Nabatid na noong gabi ng Lunes (Nobyembre 7), tumawag si Police Lt. Marcos R. Rafanan sa Sta. Catalina MPS para ipagbigay-alam na ang biktimang si si PSMS Rosendo Raganit y Ramolete, 41, may asawa, miyembro ng 1st PMFC ng La Union PPO, residente ng naturang barangay isinugod sa ospital ngunit hindi na nagawang isalba pa.
Sa ulat, nangyari ang insidente 5:45 ng hapon noong Lunes, nang katatapos ng biktimang mag-jogging at nagpahinga ito sa tapat ng bahay nina Ginalyn Ragil nang biglang nawalan ng malay.
Dahil dito, agad na isinugod ang biktima sa North Side Doctors Hospital sa Bantay, Ilocos Sur.
At 7:55 ng gabi nang ideklara ng attending physician na patay na ang biktima.
Ang cause of death ng biktima myocardial infarction.