Advertisers
NAMAHAGI si Senadora Imee R. Marcos ng tulong sa may dalawang libong senior citizens at Persons with Disabilities(PWDs) sa Navotas City at Malabon City ngayong araw, Nobyembre 10.
Kabilang sa mga nabiyayaan ay 500 senior citizens at 500 PWDs sa Navotas habang 500 senior citizens at 500 PWDs naman sa Malabon.
Nabigyan din ng tig-tatlong libong piso ang bawat isang benepisyaryo ng DSWD-Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Umaabot sa P6-milyon ang naipamigay ni Senadora Marcos sa mga benepisyaryo mula sa programa ng DSWD sa pamamagitan ng kanyang inisyatiba.
Bukod sa cash, nakatanggap din ng enhanced nutribuns at mainit na arroz caldo ang mga kabataang edad isa hanggang limang taon.
Dalawampung PWDs din ang nakatanggap ng wheelchairs mula kay Senadora Marcos. (CESAR MORALES)