Advertisers
DEIVE-THROUGH nalang ang renewal ng rehistro ng sasakayan sa ilang bayan sa Camarines Sur.
Sinabi ng Land Transportation Office (LTO) district office na paraan nila ito upang mapabilis ang proseso ng registration renewal sa gitna ng pandemic.
Sa Pamplona, Camarines Sur LTO district office at pati sa extension office nito sa bayan ng Pili, drive-thru na ang renewal.
Sinabi ni Atty. Alex Abaton, special legal assistant to the office of Asec. LTO: “The concept itself is it is more convenient and at the same time it’s for the comfort of the motorists.”
Dagdag ni Abaton, kayang gawin ang renewal ng motor vehicle sa loob ng 17 minutes, at ang para sa motorcycle ay magagawa ng 12 minutes.
Tulad din ng regular renewal, mayroon narin itong emission testing, visual inspection, registration processing, payment at releasing, dagdag ng ulat.
Dati narin nagkaroon ng drive-thru registration renewal sa Pasay City sa kasagsagan ng pandemic noong May 2021. Nahinto ito dahil sa dami ng pumipila at hindi sapat ang espasyo.
Pwede itong gawin sa iba’t ibang bahagi ng bansa basta’t may sapat na espasyo.
Pabor naman ang ilang nakapanayam na motorista sa drive-thru renewal, makaka-save ng time at effort.