Advertisers

Advertisers

3 SUNDALO, 4 MILF PATAY SA BAKBAKAN!

0 199

Advertisers

NASAWI ang tatlong sundalo at apat na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa engkwentro sa Ungkaya Pukan, Basilan, ayon sa militar nitong Huwebes.

Kinilala ang mga nasawing sundalo na sina Cpl. Alberto Dal, Jr., Pfc. Nelson Bantoc at Pfc. Junry Vega.
Sugatan naman sina Sgt. Marlon Entorum, Cpl. Balvestro Roxas, Cpl. Ronaldo Gampoan, Cpl. Alvien Zamoras, Pfc. Rixon Bucog, Pvt. Alfie Java, at opisyal na si 1Lt. Aurelio Torres.

Inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command spokesperson, Lieutenant Colonel Abdurasad Sirajan, na ang tatlong nasawing sundalo ay mula sa 18th Infantry Battalion (18IB).



Bukod sa kanila, tatlong sundalo pa – anim mula sa 64th Infantry Battalion (64IB) at isa mula sa 18IB – ang nagtamo ng sugat sa sagupaan, ayon kay kay Sirajan.

“They were about to resupply troops involved [in the initial fighting], especially the 64th IB. While on the way to the vicinity, they were ambushed,” sabi ni Sirajan.

Bago ang insidente, nagkaroon ng negosasyon ang grupo ng umano’y MILF at iba pang armadong grupo kay Lieutenant Colonel John Ferdinand Lazo, commander ng 64th Infantry Battalion, hinggil sa isang tao na nasa likod ng pagsabog sa Isabela City at Lamitan City kamakailan.

Nagkasundo ang militar at ang grupo ng MILF na magtungo sila sa Barangay Ulitan at wala dapat silang dalang armas.

Iginiit ni Sirajan na idineklara ang ceasefire noong Martes ng gabi subalit patuloy pa rin ang “skirmishes” hanggang Miyerkules.



“Mula pa noong the night of Tuesday, ini-impose na ‘yung ceasefire pero meron paring skirmishes hanggang kahapon,” ani Sirajan nitong Huwebes.

“Ang lesson learned dito is abide with the arrangement. Halimbawa, ang usapan dun is ‘yung balik barangay nila ay umaga o araw talaga ng Tuesday, ay dapat talaga sa araw ng Tuesday sila bumalik at hindi sa midnight ng Monday,” dagdag niya.

Nanawagan naman ang pamahalaan ng kooperasyon sa kanilang itinuturing na katuwang mula sa MILF na manatili sa pagpapatupad ng tigil-putukan para narin sa kapakinabangan ng sambayanan at mapangalagaan ang kasunduan pangkapayapaan.