Advertisers
PUMALO na sa 307,288 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 3,073 infection base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon nitong Lunes, Setyembre 28.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 1,055 new cases.
Sinundan ito ng Region 4A na may 722 at Region 6 na may 277.
Nakapagtala naman ang DOH ng 163 na bagong gumaling mula sa covid 19. Dahil dito nasa kabuuang 252,665 na ang mga gumaling.
Sa ngayon ay umabot na lamang sa 49,242 ang aktibong mga kaso sa bansa.
Nakapagtala naman ang DOH ng 37 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 5,381 na ang kabuuan.
May 11 duplicates naman na tinanggal sa total case count. Anim dito ay recovered cases.
Samantala may 2 kaso na naunang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay matapos ang final validation. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)