Advertisers
MASUWERTENG hindi napuruhan ang tatlong security guards nang paulanan sila ng mga bala ng baril mula sa sakay ng isang van na walang plaka Sabado ng gabi sa kahabaan ng Sitio Dalampasigan, Barangay Guis Guis Talon, Sariaya, Quezon.
Kinilala ang mga nasugatang guwardiya na sina Muslimin Lim, 21 anyos; Norodin Ebrahim, 31; at Esmael Panalandang, 29, mga residente ng nabangging na barangay.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Sariaya Municipal Police Station, dumating sa lugar ang kulay puting van na may sakay ng ‘di pa tukoy na bilang ng kalalakihan at pinagbabaril sa kanilang guard house ang tatlong biktima.Nagawang gumanti ng putok ni Ebrahim gamit ang kanyang issued firearms, dahilan para mabilis na tumakas ang mga salarin.
Narekober sa crime scene ang 22) basyo ng mga bala para sa caliber 5.56 (M16) riffle armalite, 4 basyo ng bala para sa caliber 45, 2 basyo ng bala para sa caliber 9mm at isang basyo ng bala ng 12 gauge shot gun.
Kaagad namang naisugod ng mga taong nakakita sa krimen ang mga sugatang biktima sa Greg Hospital.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (KOI LAURA)