Advertisers

Advertisers

Christmas parties, reunions nasa ‘high-risks’ parin sa Covid-19 transmission – DOH

0 135

Advertisers

UMAPELA ang Department of Health (DOH) sa publiko lalo na sa mga hindi pa nagpabakuna na magpaturok na laban sa COVID-19 bago pa man ang holidays.

Panawagan ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na sana ang mga hindi pa nagpa-first booster at secod doses ay ituloy na para mas lalong maging protektado.

Ayon sa opisyal sa darating daw kasi na kapaskuhan ay wala na silang hinihiling na mga restrictions dahil halos lahat naman daw ngayon na mga local governments ay nasa alert level 1.



Nagbabala pa si Usec. Vergeire, ang pagsasagawa ng mga Christmas parties, mga pagtitipon at mga reunions ay maituturing na mga “high-risk” para sa COVID-19 transmission.

Paalala pa nito ang pagsusuot ng face mask at pagbabakuna ay malaking bagay para makatulong laban sa coronavirus.