Advertisers
KUMPIYANSA si Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo na malaking tulong sa bansa ang planong pagpapalawak sa ‘ayuda’ o subsidy programs ng Marcos Jr. administration.
Ito’y para tugunan ang nararanasang krisis sa ekonomiya at mapigilan ang inflation.
Pinuri rin ni Quimbo ang naitalang pagtaas ng gross domestic product (GDP) growth sa ikatlong quarter ng kasalukuyang taon sa kabila ng mataas na inflation.
Ayon kay Quimbo, ang pagtaas ng GDP sa 7.6 percent, ay kauna-unahan ng Marcos administration.
Dagdag pa ni Quimbo sa supply side lumago ang lahat ng sektor habang ang domestic demand naman ay nananatiling matatag.
Pahayag ng economist solon, ang pinaka-mabisang depensa para labanan ang inflation sa pamamagitan ng domestic output expansion.
Sa ngayon ang gobyerno ay nagbibigay ng fuel at fertilizer subsidies para mapalakas ang agricultural production.
Giit ng mambabatas na nararapat lamang na palawakin pa ang subsidy prorams para suportahan ang mga producers.
Sinabi ni Quimbo na tinitignan din ng Marcos Jr. administration na maglaan ng P206.50 billion halaga ng subsidies at pinansiyal na tulong sa ilalim ng proposed 2023 national budget para bigyang suporta ang nasa vulnerable sector dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilhin bunsod ng global inflation.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang makakatanggap ng malaking budget kung saan nasa P165.40 billion ang inilaan para sa implementasyon ng ibat ibang social assistance programs.
Makakatanggap din ng dagdag na pondo ang Department of Health (DoH), Department of Labor and Employment (DoLE), at ang Department of Agriculture (DA) will also get their slice of the ayuda pie.
“This enables greater consumption and well-being, especially when targeted to the most vulnerable sectors. We see the relevance of providing immediate assistance to qualified Filipinos through programs such as the Assistance to Individuals in Crisis Situations or AICS program of DSWD,” ani Rep. Quimbo.
Dagdag pa nito na mahalaga rin na pagbutihin ang production ng domestic agricultural sector at pasiglahin ang industriya sa bansa para bumaba ang exposure ng Pilipinas sa pabago bagong global prices at global supply shocks.
Dapat din taasan ang importasyon para makamit ang mga domestic na pangangailangan.
“While the peso depreciation has been raised as a concern by some sectors, this can be an opportunity for exporters to boost their sales. In fact, exports grew by 13.1 percent in the third quarter. As the economy slowly reopens, we should exploit the existing advantage of the sectors that stand to gain from a weakening peso, such as tourism and export industries,” pahayag ni Rep. Quimbo.