Advertisers
NAANTALA ng halos dalawang oras bago nakapasok ng mga opisina ang mga kawani ng Bulacan Regional Trail Court matapos bulabugin ng bomb threat via text messege 7:40 ng umaga nitong Lunes sa Malolos City.
Sa ulat, 8:20 ng umaga nang makatanggap ang mga tauhan ng Bulacan Explosive Ordinance Disposal Unit ng tawag. Agad rumisponde ang Special Weapons and Tactics (SWAT) kasama ang isang K9 dog.
Nabatid ni alyas “Ann” at alyas “Dante” ng Branch 81 na tauhan ni Executive Judge Hermenegildo Dumlao-ll ang nakatanggap ng mensahe, kungsaan nakasaad dito ang mga salitang “napalaya sa regional trail court ng Malolos ang kriminal/mandarambong, dahil dyan pasasabugin namin ang isang bomba sa isang korte.”
Agad ginalugad ang loob at labas ng regional trial court sa pamumuno ni Police Majior John Paul Sanguyo, hepe ng EOD/K9.
Isang kahina-hinalang bag ang nakita sa Branch 19 na agad din nirespondihan, peron naglalaman lamang ito ng internal memory.
Kasunod nito’y maraming hearing sa korte ang muling na reset sa Biyernes.
Samantala, muling umapila ang mga awtoridad na maging mapagmatyag at listo sa paligid upang matiyak ang kaligtasan.(Thony D. Arcenal)