Advertisers

Advertisers

Mag-dyowa binugbog, hinoldap at ni-rape ang bebot

0 206

Advertisers

ARESTADO na ang nangholdap at nambugbog sa magkasintahang namamasyal sa Caliraya Lake at gumahasa pa sa babaeng biktima noong Biyernes ng gabi sa Lumban, Laguna.

Sa follow up operation nitong Sabado ng umaga, natimbog sa checkpoint ang 38-anyos na construction worker at 35-anyos na welder na tumugma sa description ng sasakyang ginamit sa krimen ang tricycle na sinasakyan nila nang parahin ng mga pulis.

Arestado din ang live-in partner ng 2 lalaki nang makumpiska sa mga ito ang 2 cellphone na pag-aari ng mga biktima.



Narekober din sa mga salarin ang pares ng tsinelas ng magkasintahan at ang isang replica ng maiksing baril na ginamit umanong panakot sa mga biktima.

Positibong kinilala ng 18-anyos na estudyanteng lalaking biktima ang mga salarin nang dalhin ang mga ito sa istasyon ng pulis.

Nananatili naman sa ospital ang menor de edad nitong nobya dahil sa tinamong sugat nito sa ulo.

Sa ulat, 10:00 ng gabi ng Biyernes nang tutukan ng baril at holdapin ng mga salarin ang mga biktima sa gilid ng Caliraya Lake.

Puwersahan na pinasakay ang mga biktima sa tricycle ng mga salarin at dinala sa liblib na lugar sakop ng Barangay Lewin, kungsaan binugbog ang dalawa at saka hinalay ang babae.



Nakakulong na ang mga salarin sa Lumban Police Station at nakatakdang sampahan ng kaso sa provincial prosecutors office sa Sta. Cruz, Laguna.