Advertisers
INILABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang mahigit P8.5-bilyon para sa year-end bonus at cash gift ng mahigit 220,000 pulis.
Pahayag ni PNP chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang year-end bonus ay katumbas ng one-month base pay habang P5,000 naman ang cash gift.
Nilinaw ni Azurin na ang bonus ay bubuwisan alinsunod sa Tax Reform Acceleration and Inclusion law (TRAIN).
Samantala, sinabi naman ni PNP finance service Director, Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding na ibibigay ang bonus ngayong araw, November 15 sa pamamagitan ng Landbank ATM payroll accounts.