Advertisers
ITINUTULAK ni Committee on Constitutional Amendments Chairman at Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez ang pag-amyenda sa 1987 Philippine Constitution sa pamamagitan ng Constitu-tional Convention o Con-Con.
Nakapaloob ito sa House Joint Resolution 12, na inihain ni Rodri-guez na layuning amyendahan ang ilan sa economic provision ng Saligang Batas upang maiayon sa ating mga polisiya at mga pagba-bago at maging globally competitive.
Binanggit ni Rodriguez na maari ding isama rito ang mga political amendment.
Batay sa resolusyon, gagawin ang pagboto para sa Con-Con delegates mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa sa huling Lunes ng October 2023, kasabay ng Baranggay Elections at Sangguniang Kabataan elections.
Nakasaad sa resolusyon na magco-convene ang mga mahahalal na delegado ng ConCon sa isang session sa January 8, 2024, alas-10:00 ng umaga sa pangunguna ng Senate President at House Spea-ker.