Advertisers

Advertisers

Taas-pasahe sa LRT-1 nagbabadya

0 162

Advertisers

INANUNSYO ng Department of Transportation (DOTr) na nagbabadyang tumaas ang singil sa pasahe ng LRT-1 sa unang bahagi ng susunod na taon.

Sa unang quarter ng 2023, posibleng maglabas na umano ng desisyon ang DOTr sa petition ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magtaas ng singil sa pasahe.

Nakasaad kasi sa kontrata ng LRMC at gobyerno na kada 2 taon ay magtataas ng singil sa pasahe ang LRT-1.



Taong 2016 nang mag-take over ang LRMC sa operasyon at maintenance ng LRT-1. Kasama sa kontrata ang paggawa ng P64.9 bilyon na LRT-1 Cavite extension project.

Naghain ng petisyon ang LRMC ng taas-singil noong 2016, 2018, 2020 at ngayong Abril.

Nasa P5.46 ang increase sa minimum fare na hiling ng LRMC at kapag naaprubahan ito, magiging P16.46 ang ngayo’y 11 na base fare at may dagdag na P1.50 kada kilometro.

Sa ngayon, nakabinbin pa ang hiling ng LRMC.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">