Advertisers
KINUMPIRMA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakatakdang umapela ang ahensya sa Supreme Court hinggil sa No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ayon kay MMDA chairman Romando Artes, hihilingin nila sa Supreme Court na huwag isama ang ahensya sa Temporary Restraining Order (TRO) upang maipatupad nila ang polisiya sa mga kalsadang sakop ng kanilang hurisdiksyon.
Paliwanag niya, mula nang ipatigil ang NCAP, dumami ang mga motoristang lumalabag sa batas trapiko na hindi nila mahuli dahil sa kakulangan ng traffic enforcers.
Noong Agosto nang pansamantalang suspindehin ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng naturang polisiya dahil sa pagkwestiyon ng ilang transport group sa validity nito.