Advertisers

Advertisers

Dalagita dumalo sa b-day party, ginahasa at pinatay

0 176

Advertisers

NATAGPUAN ang bangkay ng isang dalagita sa masukal na damuhan, na pinaniniwalaan ginahasa saka pinatay noong Sabado sa Cebu city.

Kinilala ang biktima na si Jeanelle Maekylla Royos, 15 anyos, Grade 10 student, ng Purok Rosal 1, Barangay Gairan, Bogo City.

Batay sa report ng Bogo City Police Station, 3:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa damuhan sa Purok Magenta ng nabanggit na barangay.



Ayon sa isang Glenda, residente sa lugar, nagpapastol siya sa kanyang alagang kambing nang makita ang hubo’t hubad na bangkay ng biktima. Agad niyang ipinaalam sa mga awtoridad ang nadiskubre.

Sa pagresponde ng pulisya sa lugar, nakita nila ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima.

Kwento naman ng kaibigan ng biktima na si Bhalcy Pepito Bercero, 19, bago ang krimen galing sila ng birthday party at nagpasyang umuwi 12:00 ng hatinggabi.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">