Advertisers

Advertisers

Paslit hinalay sa CR ng evacuation center kapalit ng P50

0 155

Advertisers

NAHAHARAP sa kasong ‘Rape’ ang isang lalaki makaraang gahasain umano ang isang 9-anyos na babae at binayaran ng P50 sa evacuation center sa Zamboanga City.

Naaresto ang lalaki na si Alan Abenejo, 46 anyos, ng Barangay Tumaga, matapos magsumbong ang biktima sa kanyang guro.

Sa report, nagpasama sa biktima at kapatid nito si Abenejo patungong CR ng evacuation center at dito ginawa ang panghahalay.



Lumabas naman sa isinagawang medical examination na may “slight laceration” at “seminal fluid” sa ari ng biktima.

Todo tanggi naman si Abenejo sa panggagahasa sa biktima. Giit niya, wala siya sa evacuation center nang araw na mangyari ang insidente.