Advertisers
ILILIPAT na sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang aktor na si Vhong Navarro .
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), Nobyembre 14 nang makatanggap ang Security Management Section ng ahensya ng order mula sa Regional Trial Court Branch 69.
Ang naturang kautosan ay para ilipat na ng kulungan ang aktor mula sa kostudiya ng NBI patungo sa BJMP sa Taguig City Jail – Male Dormitory, Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Ayon pa sa NBI, sasailalim si Navarro sa mandatory medical examination tulad ng RT-PCR test alinsunod sa health protocol requirements bago ang kanyang paglilipat sa BJMP-Taguig City.
Nakulong si Navarro sa isinampang kasong ‘rape’ ng model na si Denice Cornejo na sinasabing ginamitan ng puwersa.
Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang NBI nang tanungin ang eksaktong petsa ng paglipat ni Navarro sa BJMP.(Jocelyn Domenden)