Advertisers

Advertisers

Karambola ng 3 sasakyan: 1 patay

0 184

Advertisers

NASAWI ang isang driver nang magkarambola sa national highway ang isang closed van, isang pampasaherong bus, at isang trailer truck sa Diadi, Nueva Vizcaya, Miyerkoles ng hapon.

Sa report ng Diadi police, dead on the spot ang driver ng closed van na si Gerald Rosales, 42 anyos, residente ng Tumauini, Isabela.

Nasawi ito dahil sa mga tinamong pinsala sa ulo at katawan nang malaglag sa kanyang sasakyan dahil sa karambola.



Ayon sa imbestigasyon, patungong north direction at tinatahak ng tatlong sasakyan ang palusong na highway sa Barangay Balete nang mangayari ang insidente.

Nawalan umano ng preno ang pampasaherong bus at binangga nito ang sinusundang closed van na minamaneho ng nasawi.

Sa lakas ng impact, basag ang wind shield ng van at lumusot palabas ang driver na nagulungan pa ng kanya mismong sasakyan.

Kasunod na sinalpok ng bus ang trailer truck na nasa ng convoy.

Wala namang iba pang nasugatan sa insidente maging sa mga pasahero ng bus.



Nasa kustodiya na ng Diadi Police ang driver ng bus na mahaharap sa kasong ‘reckless imprudence resulting in homicide and damage to properties’.