Advertisers

Advertisers

BANTAG WALA PANG NATATANGGAP NA SUBPOENA

0 211

Advertisers

INIHAYAG ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief, Gerald Bantag, na hindi pa niya natatanggap ang subpoena kaugnay ng imbestigasyon sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

“Wala pa kong natatanggap. Sabi nila doon deemed served,” tugon ni Bantag.

“Pero sabi naman ng barangay chairman doon na ever since na matanggap ko ‘yung BuCor hindi na ako umuuwi doon dahil malayo. So wala din silang iniwan doon na subpoena,” dagdag pa niya.



Ayon kay Bantag, nais niyang personal na dumalo sa preliminary investigation sa paratang laban sa kanya na mastermind ito sa pagpatay kay Lapid, sa kabila nito ikokonsidera parin niya ang abiso ng kanyang mga abogado.

“Sa preliminary procedure, puwede akong pumunta puwedeng hindi, pero pinag-uusapan namin na gusto ko kasing pumunta doon,” pahayag ni Bantag.

“Pero nagre-rely din po kasi ako sa mga lawyers kasi hindi naman ako abogado. Mas sila kasi ang nakakaalam ng laban na ganyan,” dagdag pa nito.

Nitong Martes, Nobyembre 15, sinabi ni Senior Assistant State Prosecutor Charlie Guhit na inilabas na ang subpoena kay Bantag sa Caloocan City na tinukoy na address ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).

Sa kabila nito, wala naman umanong impormasyon ang NBI at PNP kung saan eksakto sa Baguio City nanunuluyan si Bantag.



“Bahala na ‘yung abogado doon. Huwag na natin problemahin,” tugon niya nang tanungin kung saan ihahatid ang subpoena.

Inihain ang reklamong ‘murder’ laban kina Bantag, BuCor Senior Superintendent Ricardo Zulueta, at iba pa sa pagpatay kay Lapid at sa itinuturong middleman na si Jun Villamor na namatay naman sa New Bilibid Prison.